"Sunny days keeping off clouds away.."
Kung bigla mong naalala ang isang malaking dilaw na ibon, isang blue na monster na may addiction sa cookies, isang green na monster na nakatira sa basurahan na may fourteen pairs of sneakers at isang maliit na monster na kulay red, malamang nanonood ka ng Sesame street noon.
Ako rin, addicted ako sa sesame street noon; sira na araw ko kung hindi ko 'to napanood . Sira na buhay ko kung ang huling napanood ko e tungkol sa letter 'g' tapos yung next na pinapanood ko ay tungkol sa letter 'i'; di ko napanood letter 'h'. Paborito ko noon si "The Count"; ang galing mag bilang, may kasunod pang evil laugh tapos kulog at kidlat. Nagbilang lang yun ha, e pano kung nag rap!?
Kung merong "Teddy" si Mr. Bean, meron namang "Rubber Ducky" si Ernie. Speaking of Ernie, isama narin natin si Bert. 'Di nyo ba napansin na kung pinagsama mo si Spongebob at si Squidward sa isang bahay, magiging parang si Bert and Ernie sila? Pakinggan nyo kung papapaano magsalita si Bert, 'di ba parang si Squidward? E yung di-sinasadya na pang-aasar ni Ernie kay Bert, 'di ba parang si Spongebob yun?? Conspiracy!
Kung iisipin, miss ko narin ang Sesame street... Hindi ko na bilang kung ilan na sneakers ni Oscar, 'di ko narin alam kung dilaw parin si Big bird o grey sa tanda.
Pedro: Oi! 'Musta na!? Ilang ton narin tayong hindi nagkita ah! Graduate ka na ba!?
Juan: Oi Pedro! Oo, graduate na ako! DLSU ako! Ikaw?
Pedro: AHHHHH!!! UST ako pare!! Oh! Si Pareng Justine pala yun ah!? Oi! 'Musta na!?
Justine: Uy! OK lang naman! Kayo!? Mukang may kanya-kanya na tayong trabaho ah!
Pedro: Haha! Oo, may trabaho na kami, pinag-uusapan namin kung saan kami graduate!
Juan: DLSU 'to!!
Pedro: UST and proud to be! Ikaw tol?
Justine: Ako? Sesame street and PROUD TO BE!

0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home