Tuesday, September 19, 2006

Noong nakatira pa ako sa Manila, pinagsisimba kami ng lola ko linggo-linggo. Ako, kapatid ko, at tatlong pinsan; lahat parang pupunta sa birthday party ng Mayor sa porma. Clarification: ayaw na ayaw na AYAW kong magsimba. Mula noong pagkabata, hanggang ngayong hindi gaanong katandaan; ayaw kong magsimba. Hindi ako maka extend ng tulog kahit limang munito lang sa umaga. Ang sakit sa tuhod sa kakaluhod kahit limang minuto lang. Nakakapagod ding nakatayo kumakanta ng limang minuto. At sobrang nakakapagod makinig sa pari na alam nating masmatagal pa sa limang minuto kung magsalita. Hindi naman sa ayaw ko lahat ng sinasabi ng pari, meron din naman akong pinakikinggan: ang sermon.
Oo, yung sermon may napupulot ka rin kasing aral sa sinasabi nila, tapos minsan, enjoy pa! Parang story telling!Pero ang nakakatuwa, yung mga pagkakamali nila. Marahil napansin mo narin 'to (kung sa isang 'catholic church' ka pumapasok); kadalasan , parang may kontrahang nangyayari sa sermon ng isang pari sa sermon ng iba. Pag sermon, yun ang hinahanap ko palagi. Matatawag natin silang mga pagkakamali. Pero ang tanong:
Sino
ang
nagkamali?
May lakas ka ba ng loob sabihin kung sino sa dalawa ang nagkamali kung parehong para sa kapakanan ng sangkatauhan ang sinabi? Saan mo ibabase ang decission mo: sa naging expirience mo o sa naging turo sa'yo ng iyong mga magulang - ng iyong pamilya? Kung iisipin, sino ang pamilya mo kung lahat ng tao ay iyong kapatid at ang tawag nating lahat sa panginoon ay 'ama'? May karapatan ka bang magsabi kung sino ang tama o mali sa kanilang dalawa? Kung wala, bakit ang mga taong nasa gobyerno ay meron nito?Btw, ang tinutukoy ko dito e yung relihyon na 'Catholic'.
Isa pang bagay; pag may problema ka't nangumpisal, para ka naring bumili ng gamot sa suking pharmacy: de-reseta.
'Father, ako'y nagkasala.'
'Speak, iho.'
'Father, hindi ko po sinasadya... Nakapatay po ako ng kapwa!'
*insert organ instrumental - yung nabigla*
'Iho, magdasal ka ng sampung hail mary, at labinglimang our father. Patawarin ka ng Diyos, iho.'
'Salamat po, Father. Maraming Salamat!
ano'ng napansin niyo? Hindi ba't parang prescription? Ang doktor ay ang pari, ang pasyente ay ikaw, ang Botika ang Diyos, at ang reseta? Ang maraming hail marys at sandamukal na our father*. Ito pa; ang mga pari ay 'sworn to poverty and celebacy'. Ibig sabihin, hindi sila maaaring magkaron ng maraming pera, at hindi rin sila pwedeng magkaroon ng asawa. Pero, eto ang problema: paano kung ang problema ng taong mangngumpisal ay sa pamilya kakulangan sa pera dahil sa hirap ng buhay ngayon? Paano yan masasagot ng isang pari na hindi naranasan ang hirap ng buhay dahil sa may sustento sila mula sa simbahan at projects nila? Paano yan masasagot ng isang pari na hindi, kahit minsan, na hindi nagkaroon ng pamila o asawa man lang? "Feed a man a fish and he is full for a day; teach a man how to fish, he will be full for the rest of his days." May kasabihang ganyan, nakalimutan ko lang yung eksaktong words pero may kinalaman sa taong gutom at isda. Kung iaasa mo nalang lahat sa panginoon, paano ka na matututo? Ano ang magagawa ng simpleng dasal laban sa problema mo sa kapwa mo tao? Galang ang kelangan; hindi kabanalan.
Galang, hindi kabanalan. Nakakaaliw rin nga eh; minsan manood ka ng T.V. Nakakita ka na nung televised massive worships? Nakasama na ako sa ganun, pero hindi massive at hindi rin televised XD. Anyway... may mga punto kung saan halos umiiyak na ang preacher at nagsisitalunan na lahat ng tao. Lahat sumisigaw ng "I love you Lord!" Pero panoorin mo ng mabuti; madalas kang makakita ng sikuan dahil sa sikip. Siguro hindi sinasadya yung iba, pero yung iba, kita mong sinasadya; kawalan ng space eh.
Posibleng maging napakahaba ng post ko na 'to. Pero nakakatamad narin, more than five minutes narin akong nakaupo't nag t-type dito. So, tapusin na natin 'to.
Marahil ay nainsulto ka - yun ay kung debotong katoliko ka. O kaya naman natuwa ka - dahil nakakaintindi ka at hindi naapektohan sa mga sinabi ko. Pwede ring naaliw - dahil hindi mo naman relihiyon 'to. O kaya naman ay nabagabag. Ang point: iba-iba ang 'points of views' natin ukol sa topic na ito. Ikaw na bahala kung babasahin mo't iintindihin ang point of view ko, o kaya naman isasara ang iyong utak sa mga sinabi ko o kaya bukas, ipa-snipe mo ako sa mga kasama mo sa simbahan. Kung ano man magiging takbo ng isip mo't trato mo sakin mula ngayon, irerespeto ko yun. Because like what the great R&B king, Ray 'the blind sensation' Charles said: "You have a right to believe in what you believe". To be blunt, it's religeon that I'm targetting here; not faith in God.
Wag kang magalala, hindi ito ang huling post ko tungkol sa relihyon. :)



*not exact figures('di pa naman ako nakakapatay ng tao)

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home